Sayaw, Tula, at Kulturang Pilipino: AU Buwan ng Wika 2025, Tampok ang Galing ng Mag-aaral

Arellano University News

Posted on: August 29, 2025

Sa makukulay na pagtatanghal, masining na paligsahan, at masiglang partisipasyon ng mga mag-aaral, muling ipinamalas ng Arellano University ang diwa ng pagiging makabansa sa taunang Buwan ng Wika 2025.

Sa temang “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa,” itinampok ng Elementarya, Dyunyor Hayskul, at Senyor Hayskul ang kahalagahan ng wika bilang haligi ng pagkakaisa at pagkakakilanlan ng sambayanang Pilipino.

Masining na Talento ng mga Elementarya

Ginanap noong Agosto 20, 2025 sa AU Gymnasium ang programa ng Elementarya na pinangunahan nina Rio Gagante at Jhuan Carlos Mendoza.

Sa kanyang panimulang pananalita, binigyang-diin ni Gng. May V. Eliano, punong guro ng Elementarya, ang kahalagahan ng paglinang ng kamalayan ng kabataan sa kultura at wikang Filipino.

Itinalaga naman bilang hurado ng mga patimpalak sina G. Abner Prado, Gng. Jessica Cariazo, at G. Chris Homer Maduro.

Ang mga estudyante ay masikhay na itinanghal ang kanilang mga piyesa at ipinakita ang kani-kanilang talento sa entablado.

Mga Nagwagi:

Sabayang Pagbigkas

  • Kampeon – Grade 6 (Solidarity)
  • Ikalawang Pwesto – Grade 4 (Equity)
  • Ikatlong Pwesto – Grade 6 (Stewardship)
  • Ikaapat na Pwesto – Grade 5 (Fortitude)

Malikhaing Pagsayaw

  • Kampeon – Grade 2 (Humility)
  • Ikalawang Pwesto – Grade 3 (Integrity)
  • Ikatlong Pwesto – Grade 1 (Competence)
  • Ikaapat na Pwesto – Grade 1 (Charity)
  • Ikalimang Pwesto – Grade 2 (Honesty)

Ayon kay Angelo Hean Jusi mula sa Grade 6–Solidarity, masaya at hindi nila inaasahan ang pagkapanalo. "Nag-practice kami nang nag-practice hanggang sa sumakit ang aming mga paa," aniya.

Samantala, ayon kay Bb. Jaymary M. Lizada, activity coordinator ng departamento ng Elementarya, mahalaga ang ganitong pagdiriwang upang maitulak ang kamalayan at pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa kasaysayan at kultura ng bansa sa pamamagitan ng sariling wika.

Pistang Bayan sa Dyunyor Hayskul

Idinaos naman noong Agosto 22, 2025 ang selebrasyon ng Junior High School. Pinangunahan nina Kenshin Akio Minari at Saijan Kayce Arcega ng Kabisadra Eugenio-Filipino Club ang programa.

Pinangunahan ni G. Frederic A. Almazan, punong guro, ang pambungad na pananalita na nagbigay inspirasyon sa mga mag-aaral ukol sa paglinang ng kanilang kaalaman sa kultura at wikang Filipino.

Ang mga pangunahing tagapag-organisa ng aktibidad ay sina Bb. Lalaine G. Lopez, G. Jay Carlo C. Car, Bb. Princess Ceneth D. Arce, at Bb. Loisa A. Casipit katuwang ang Kabisadra Eugenio at si Bb. Jameil L. Bonifacio na nagsisilbing tagapayo.

Ipinakilala naman ang lupon ng inampalan na nagsilbing hurado sa mga patimpalak:

  1. G. Federico N. Lobenia, Jr., LPT
  2. G. Gian Rafael F. Dela Cruz, LPT
  3. Gng. Judith R. Calvario, LPT
  4. G. Chris Homer D. Maduro, LPT
  5. G. Jeremy H. Lacsina

Ipinakita ng mga estudyante ang kanilang angking galing at pagiging malikhain sa iba’t ibang patimpalak gaya ng Katutubong Sayaw, Epikong Gayak, Ginoong Ibarra at Binibining Maria Clara, at Lakan at Lakambini ng Katutubong Lahi.

Mga Nagwagi:

Grade 7 – Katutubong Sayaw: Tinig ng Nakaraan, Indak ng Kinabukasan

  • Unang Gantimpala – 7 Aquino
  • Ikalawang Gantimpala – 7 Del Pilar
  • Ikatlong Gantimpala – 7 Rizal

Grade 8 – Epikong Gayak: Kasuotang may Kasaysayan, Kuwentong Muling Nabubuhay

  • Dangal ng Epikong Gayak 2025 – Jazmine Paulline P. Eloriaga & Lucas Zaeil G. Isidro (8-Sampaguita)
  • Ikalawang Karangalan – Christian Santisima (8-Daisy), Miks Aldrich I. Divinagracia (8-Gumamela) & Rhian Lagman (8-Lily)
  • Ikatlong Karangalan – Xhyn Jhose Anthounio Vercilla (8-Lily) & Anika Zolei Macalalag (8-Daisy)

Grade 9 – Ginoong Ibarra at Binibining Maria Clara: Panitik na Pinanday ng Pag-ibig at Bayan

  • Ginoong Ibarra at Binibining Maria Clara 2025 – Ali S. Mohammad & Rhian J. Delos Santos (9-Narra)
  • Ikalawang Karangalan – Jeriel Vicera & Lhindsay Bumagat (9-Yakal)
  • Ikatlong Karangalan – Matthew Shane B. Bernal & Kylie Antonette A. Aranda (9-Mahogany)

Grade 10 – Lakan at Lakambini ng Katutubong Lahi: Ganda’t Dangal, Lahi’t Mahal

  • Lakan at Lakambini ng Katutubong Lahi 2025 – Jordan Aramiel Maltu & Cassandra Michaela A. Dela Cruz (10-Einstein)
  • Ikalawang Gantimpala – Thadeus Vincent B. Angeles (10-Curie) & Sophia Kriselle Constantino (10-Newton)
  • Ikalawang Gantimpala – Jurich Fghij C. Llantero (10-Newton) & Sittie Shairah Kasir (10-Darwin)

Binigyang-diin ni Bb. Lalaine Lopez, Koordineytor sa Filipino, na ang mga aktibidad ay "sumasalamin sa pagpapahalaga, pagpapanatili, at pagpapayabong ng ating wika, kultura, identidad, at tradisyon bilang Pilipino."

Nagtapos ang programa sa pamamagitan ng pistang bayan na siyang sumasalamin sa kultura ng mga Pilipino.

Buwan ng Wika 2025 - Junior HS

Buwan ng Wika 2025 - Junior HS

Buwan ng Wika 2025 - Junior HS

Buwan ng Wika 2025 - Junior HS

Buwan ng Wika 2025 - Junior HS

Buwan ng Wika 2025 - Junior HS

Buwan ng Wika 2025 - Junior HS

Buwan ng Wika 2025 - Junior HS

Buwan ng Wika 2025 - Junior HS

Pagpupugay ng Senyor Hayskul

Noong Agosto 18, 2025, ipinagdiwang naman ng Senior High School ang Buwan ng Wika sa pamumuno ng GAS Club, katuwang ang Filipino Department at Arellano University Senior Student Council.

Sa kanyang pagbubukas na mensahe, nagpahayag si G. Frederic C. Almazan, punong guro ng departamento ng Hayskul, ng isang mahalagang mensahe sa mga estudyante.

"Ipagyabang natin ang ating wika at ipakita ang ating pagka-Filipino. Huwag kalimutan ang respeto sa iba’t ibang wika at kultura ng ating bansa."

Samantala, nagsilbing hurado naman sa mga patimpalak sina Bb. Karla Joy Monsanto, G. Joko Tubang, at G. Rolando IV Diaz.

Ang mga estudyante mula sa iba’t ibang pangkat ay nagpakita ng kanilang talento at pagkamalikhain sa iba’t ibang kompetisyon na nagbigay-diin sa kahalagahan ng wikang Filipino at kulturang Pilipino. Mula sa pagtatanghal ng makukulay na sayaw at masining na pagbigkas hanggang sa pagpapakita ng mga katutubong kasuotan.

Mga Nagwagi:

Quiz Bee

Grade 11:
  • Unang Pwesto – STEM
  • Ikalawang Pwesto – ICT
  • Ikatlong Pwesto – ABM
Grade 12:
  • Unang Pwesto – HUMSS
  • Ikalawang Pwesto – HE
  • Ikatlong Pwesto – ABM

Vlogging Competition

Grade 11:
  • Unang Pwesto – STEM A7
  • Ikalawang Pwesto – ICT A1
  • Ikatlong Pwesto – ABM A3
Grade 12:
  • Unang Pwesto – STEM B9
  • Ikalawang Pwesto – HUMSS B5

Sabayang Pagbigkas

  • Kampeon – 11 HUMSS (PM Shift)
  • Unang Pwesto – 11 STEM (PM Shift) & 11 HUMSS (AM Shift)
  • Ikalawang Pwesto – 11 STEM
  • Ikatlong Pwesto – 11 ABM

Isa sa mga nagwagi sa Sabayang Pagbigkas na si Marian Subiag ay nagpahayag ng kanyang kagalakan sa kanilang pagkapanalo sa patimpalak.

"Hindi po namin in-expect na kami ang mananalo. Kahit may mga insidente na muntik ikatalo namin, pinatunayan ng pagsisikap na may magandang resulta." ani niya.

Samantala, ibinahagi ni Shia Baluyut, isang manonood, na "ang sabayang pagbigkas ay nagpakita kung paanong ang wika ang nagbubuklod sa atin, at kung paano maaapektuhan tayo kapag nawalan ng pagpapahalaga dito."

Ipinakita ng selebrasyon ng Buwan ng Wika 2025 sa Arellano University na higit pa sa patimpalak at pagtatanghal, ito ay paggunita sa ating pagkakakilanlan bilang Pilipino. Ang bawat tula, sayaw, at mensahe ay nagsilbing paalala na ang wika ay hindi lamang paraan ng komunikasyon, kundi isang buhay na patunay ng ating kultura, kasaysayan, at pagkakaisa bilang isang bansa.

Buwan ng Wika 2025 - Senior HS

Buwan ng Wika 2025 - Senior HS

Buwan ng Wika 2025 - Senior HS

Buwan ng Wika 2025 - Senior HS

Buwan ng Wika 2025 - Senior HS

Buwan ng Wika 2025 - Senior HS

- Isinulat ni Carlo Arsula
- Sa ulat nina Elija Lutawan at Leonardo Mira